Powered by Bravenet Bravenet Blog

5.14.08

9:22 PM

kid of the '90s

nothing personal and boring this time. just something i found on multiply which i found really interesting. got this from claire's multiply.

61 signs you're a kid of the 90s in the Philippines. 

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. (ano nga ulit 'to? X_X eto ba yung round thingy na parang pinapatalbog or something?)

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. (haha. so true. minsan binabasa ko 'yun. )

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (talaga? sa guys siguro 'tsaka sa mga nakakapaglaro sa labas ng bahay. haha.)

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. (hahaha. sh*t. oo. pero 'di naman tig-pipiso lang no. haha.)

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (yung kapitbahay kong lalaki meron nito. haha. naglalaro kami nun ng baril-barilan. XP)

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (kulong ako sa bahay eh. :/)

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (nope. haha.)

8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (hahaha~!)

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. (ahaha. pero never naman akong natulog. XD)

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. (weh. may ganito pala?)

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (aay, hahaha! yung nagwowobble pa yung mga pakpak. haha. mga grade 3 ata 'to nauso.)

13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (omg, oo. guilty. sandamakmak yung pinabili kong polly pocket nun sa toys 'r us. hahaha.)

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (na-try ko 'to. ni minsan di ko naman napadami. haha. XP)

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. (naaalala ko 'to.)

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (haha. naalala ko na binenta ko pa yung zashikibuta ko nun for 20 pesos. hahaha. )

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (hahaha. lahat meron ako, except yung game boy. never akong pinayagan magkaroon nun. ~_~)

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (pang-hapon ako nun eh. usually, after class namin nilalaro 'to. meron pa ngang "mother, mother! can we cross the river?" na laro. pero 10-20 yung all time favorite namin. hahahaha~.)

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". pag inisip mo to ngayon matatawa ka na lng kasi ang babaw mo pala dati... hahaha.... (major lolz. meron pa ngang "ang mahuli..." at yung buwaya at yung mga mangagaya... eh, nakalimutan ko na.)

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. (hahaha~! tawa na lang.)

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. (hm, baduy rin ata nun eh. haha. ewan ko? may sariling notebook ang montessori eh... na may pagkalaki-laki pang logo ng eskwelahan sa harap. igh.)

23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. (nakikiinom lang ako nun palagi. hahaha.)

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. (wala... di rin ako pinayagan. haha.)

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (never ko naman nagets kung pano gamitin yung pager eh. hahaha. lolz.)

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. (loool. oo. grade 3 ata ako nun, pati teacher ko nakikitawag sakin. haha. grabe naman yun, parang wireless phone sa laki. XD)

27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (di ko naranasan 'to. O_o sa notebook ng tatay ko ako naglalaro ng games eh. yung makapal pa. haha.)

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. (tamagochi lang meron ako. nakikilaro lang ako ng sega sa tito ko nun. hahaha.)

29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". (deym. hahaha.)

30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes, "Zombie" by Cranberries. (hm, wala akong kaalam-alam sa musika nun. nung summer class nga before mag-hs, inexcuse ako ni sir aris sa isang activity kasi sabi ko wala akong kaalam-alam sa mga kanta. lolz.)

31. Sumasayaw ka ng Macarena. (hahaha. now nostalgic. eto palagi naming sinasayaw ng mga pinsan ko para kay lolo noon. :c)

32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (naririnig ko yung mga yun... haha. pero wala akong pakialam. gusto ko lang kolektahin yung sticker nila sa lollipop nun.)

33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (never. haha. op ako pag pinaguusapan ng mga tao yan. how ironic kasi ngayon ma-je na ako. oh noes. hahaha.)

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha. agree! pinapaulit-ulit ko nun yung tape namin ng "les miserables".)

36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. (haha. "the great jollibee" biro namin dyan eh. )

37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. (ahahaha. pero hate-na-hate ko yung captain planet. ewan ko, pero hate ko siya. ew. hahaha.)

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.  (lool. naaabutan ko 'to sa umaga bago pumasok.)

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. ('di ko nagustuhan 'to. ~_~ pampalipas-oras lang kung manood man ako ng mga 'to.)

43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. (yiiz~! hahaha.)

44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

47. Napanood mo ang Batang X.

48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (nanay, yaya at ako. hahaha. seryoso. )

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles". (ay, oo! oki doc at home along yung mga favorite ko nun, plus bubble gang. haha. yung palibhasa lalake, natatandaan ko lang kasi may nakakatawang babae dun. )

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. (ahahahaha! oo kaya! galit talaga ako sa kanya nun. XD)

51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. (esperanza napanood ko. ~_~)

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. (never akong kinilig sa kanila pero natutuwa akong panoorin sila nun. haha.)

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". (hahahahaha.)

55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. (talaga??)

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (of course. hahaha. natakot ako nun, in fairness.)

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. (talaga? ang palagi ko lang napapanood yung tungkol sa japan. may babaeng nagiinterview ng mga hapon tapos ittranslate niya sa tagalog yung mga sinabi nila. hahaha. eh, my liking for japan goes waaay back. ~_~)

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (betamax kamo. hahahaha. tapos nun laser disc. 'di ko naranasan yung vhs. ma-sony kami nun eh. haha.)

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. (no. nahilo kaya ako nung pinanood ko yung titanic sa theater. haha. first time eh.)
4 コメント.

Posted by Simple Jack:

I am "batang 90's" also, so I remember and miss most of the things on your list. Man I miss the 90's.
---
Build the magical city of your dreams on Elvenar! Choose a race, discover magical mysteries, and expand your fantasy realm. Download elvenar PC now!
6.14.20 @ 10:07 AM

Posted by kingdomb88888:

ufakingdom Welcome to [url]www.ufakingdom.net[/url] website, another form of online gambling, a way to increase revenue generation in the present day, with more assistive technologies coming into our daily lives. We therefore recommend world-class online casino websites that have been
4.24.20 @ 6:08 PM

Posted by Adam:

Posted by Dusty:

Now all is clear, I thank for the information. prozac online Bravo, what words..., a brilliant idea buy tramadol online You are not right. I can prove it. order meridia Clearly, many thanks for the information. xanax medication Bravo, seems to me, is a brilliant phrase generic adipex 4638f2
9.03.10 @ 4:45 PM

Post New Comment

No Smilies More Smilies »